Mga Baytang ng buhay (kultura ng mga Muslim)

INTRO

      Ang tao ay naniniwalang marami ang kanilang silbi dito sa mundong ibabaw. Marami din ang nagsasanib-pwersa sa kanilang mga paniniwala na kung minsan nga ay nilalagyan ng dibisyon ang sangkatauhan. Sabi nila ay alisin daw ang relihiyon sa usapan. Pero hindi ito ang hangad ng aming presentasyon kundi gusto naming ipaalam ang kultura ng mga Malaysians ukol sa existentialism at mayroon din tayong pagkakaparehas sakanila. Lahat ng nakasaad sa baba ang nakuhang impormasyon tungkol sa paniniwala ng mga Muslims at Malaysians.



BAITANG ISA O ANG PAGSILANG

      Ako ay sangayon. Sa kasabihan ni Allah sa Koran, nag-umpisa tayong patay tsaka niya tayo binigyan ng buhay. Dito sa buhay na ito dapat mabigyan ng pansin ang kagustuhan ng Diyos.Tsaka tayo mamamatay, at mabubuhay ulit nang walang hanggan. At saka tayo mabubuhay nang walang hanggan. Sa ating pagtanda, dapat nating sundin ang mga ito. Tayo ay ginawa ng Diyos para mabuhay ng payapa. Tayo ay binigyan ng buhay para mahalin Siya at paniwalaan. At kung ano pa mang relihiyon ang mayroon tayo dapat nating pagtiwalaan ang Diyos at sundin ang mga utos Niya. Huwag tayong mawawalan ng lakas ng loob dahil nariyan ang Diyos, binabantayan niya tayo at minamahal ng lubos-lubos.

BAITANG DALAWA O ANG PAGTANDA

      Naniniwala ako sa Tatlong Baitang na paniniwala ng Malaysians lalo na sa Ikalawang baytang. Kasama sa ating buhay ang pagtanda. Dito natin mararansan ang lahat ng bagay. Masaya, malungkot, masakit, nakakatuwa, lahat ng emosyon ay maaari nating maramdaman sa ating pagtanda. Sa ating pamumuhay sa mundo ay dapat nating sundin ang mga utos ng Diyos. Gaya ng sabi sa Unang Baitang, kahit paniniwala ito ng mga Islam o Malay (sa nasabing kwento) dapat lang naman talaga na sundin natin ang Diyos at mamuhay ng isang mapayapang buhay. Mas mabuti nang magkaroon ng mapayapa at masayang buhay para pagpunta natin sa Langit ay tatanggapin tayo nang buong buo ng Diyos.

BAITANG TATLO O ANG PAGKAMATAY

      Kamatayan—isa sa pinakamapait at malungkot na hantungan ng lahat ng tao. Pagkatapos mong mabuhay at matamasa ang ganda ng daigdig, bigla na lang itong maglalaho sa dilim ng kawalan. Marahil sa halos lahat ng karanasan ng tao sa ibabaw ng daigdig, ang pinakamahirap tanggapin ay ang masaklap na wakas, ang kamatayan. Ano nga ba ang benepisyo ng kamatayan ng isang tao? Sabi daw ng iba, wala naman itong benepisyo dahil hindi maganda ang mamatay. Pero sabi naman ng iba, ang benepisyo ng pagkamatay ay tapos na ang kanyang mga paghihirap sa mundong puno ng kasamaan. Hindi na nila ulit mararanasan yung mga panahon na wala ka ng makapitan dahil sa sobrang hirap ng buhay. At masaya na sila piling ng Diyos

      Ang ating pagkakaparehas sa mga nasyonalidad na nabanggit dito ay ang pagpapahalaga natin sa Diyos at sa Kanyang mga utos. Kahit gaano pa tayo magkakaiba sa tingin at perspektibo natin, pare-parehas lamang tayo at pantay-pantay ang karapatan sa tingin ng Diyos. Kung tayo man ay mamamatay, siguradong magkakasama din tayo sa itaas kung saan may walang hanggang na nag-aantay para satin.

BAITANG APAT

Ang pinaka huling baytang at maganda para sa mga muslim, dahil dito tayo daw ay mabubuhay ng walang hanggang.

Kultura, Paniniwala, Tradisyon, at Kaugalian ng mga Muslim sa Malaysia kapag may patay o mamatay.

Halimbawa: Kultura

  • Pagtanggap sa Kamatayan
  • Baytang ng buhay
  • 6 piye lalim ang hukay

Halimbawa: Paniniwala (Islam)

  • Ipinapaubaya ang buhay sa Diyos
  • Paniniwala sa mga gamut na halamang ugat/ dasal
  • Naniniwala sa Albularyo
  • Bawal marinig ng mamatay ang pag-uusap

Halimbawa: Tradisyon

  • Ritual – paggagamot
  • Magarbong mag-handa
  • Pagtupad sa kahilingan ng mamatay
  • Hindi na ini-iwan mag-isa ang malapit ng mamatay
  • Bawal umiyak

Halimbawa: Kaugalian

  • Maasikaso sa kapamilya
  • Walang pakielam sa sasabihin ng ibang tao
  • Humuhingi ng opinyon sa kamag anak
  • Positibong pananaw
  • Praktical
  • Bayanihan
  • Maasikaso sa kapamilya

TOURIST SPOTS

Ang malaysia ay naglalaman ng mga magagandang tanawin, mula sa lupa hanggang tubig. Gumawa kami ng Video kung saan makikita ang mga sikat na lugar sa malaysia.

Petronas Twin Towers (Kuala Lumpur) Ang Toreng Petronas o Kambal na Toreng Petronas, na nasa lungsod ng Kuala Lumpur,Malaysia, ay mula 1998 hanggang 2006 naging ang pinakamataas na gusaling tukudlangit (skyscraper) sa buong mundo kung susukatin ang haba nito mula sa pasukan nito hanggang sa pinakatuktok nito.Ang Toreng Petronas ay ang pinakamataas na kambal na tore sa daigdig, at sinasabi nila na sila ang pinakamataas na gusali ng ika-20 dantaon.

Bukit Bintang Malaysia Isa sa mga sikat na pasyalan sa Malaysia. Nanatiling shopping and trendiest place in kuala lumpur. Ito ay isa ring sentro ng mga nightclubs sa Malaysia.

Mt. Kinabulu isa sa mga sikat na bundok sa Malaysia. Itinalaga ang Kinabalu bilang  the highest peak in Borneo’s Crocker Range at bilang the highest mountain in the Malay Archipelago pati narin as the highest mountain in Malaysia.

Gunung Mulu National Park Ay isang UNESCO World Heritage Site na sumasaklaw sa mga mapanganib at mga yungib at karst formations sa isang mabundok na rainforest setting.

Sabah Malaysia Isa sa pinakamagandang lugar sa mundo. Isang lupain na napupuno ng mga halaman at napapaligiran ng napaka asul na tubig. Ito rin ay isa sa mga pasyalan ng mga turista.

Sipadan Malaysia Ay ang tanging  isla sa malaysia, Ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga corals. Lumalaki sa tuktok ng isang exotic cone ng bulkan na  libulibong taon upang mabuo.Sipadan ay matatagpuan sa centro ng mga Indo-Pacific basin, ang sentro ng isa sa mga pinakamayamang marine habitats sa mundo.

Borneo Rainforest isa sa mga matatandang rainforest sa mundo at itinalagang largest island in Asia.

Mga pagkain

Masasarap na pagkain sa Malaysia

Banana Leaf- Isang sikat na pagakin sa malaysia. Pinagsama samang kanin, gulay, Isda, baboy at iba iba pang sangkap na makikita lamang sa malaysia.

Nasi Dagang- kilala itong pagkain na ito bilang breakfast food the states on the East Coast of Peninsular Malaysia, such as Terengganu and Kelantan. Ang pagkaing ito ay gawa sa kaning ibinabad sa gata, fish curry, fried shaved coconut, solok lada, itlog at iba pang mga gulay.

Bakuteh- Isang sikat na pagkai sa malaysia. Ang pangalan na ito ay isinalin biling “meat bone tea”. Binubuo ito ng baboy na buto buto na ibinabad sa sabaw ng mga pampalasa.

Hokkien Mee- Ito ay isang chinese fried yellow noodles. Ang putahe na ito ay gawa sa makakapal na noodles na inilaga sa toyo na may baboy, pusit, isda at repolyo bilang pangunahing sangkap.

Sang Har noodles- gawa ito sa fresh river prawns, egg broth, at iba pang pampalasa.

Satay- Isa sa mga importanteng sangkap nito ay ang BBQ. Ito ang nagbibigay ng mala-dilaw na kulay nito. Isiniserve din ito kasama ng maanghang na sawsawan, peanut gravy, at ketupat (rice cakes).

Nasi Kandar- Isang popular na northern food sa malaysia. Ito ay isang pagkaing gawa sa kanin, Pritong manok, gizzards, karne ng tupa, itlog ng isda, pritong pusit o prawns at mga gulay.

Charsiew Rice- Ito ay isa sa pinagmamalaki ng mga malaysians. Gawa ito sa taba ng baboy,honey, five spice powder, fermented tofu, dark soysouce at posibleng hoisin saice.

Tanjung Tualang Prawns- Isa sa mga pinagmamalaki ng malaysia. Gawa ito sa bagong hulingfreshwater prawns na ipinirito sa mantika at sinamahan ng mga pampalasa.

Nasi lemak- Nagmula sa pagluluto ng regular white rice na literal na binabad sa niyog at pagkatapos ay binalot sa dahon ng saging. Isinama rin ang hot spicy sauce(sambal), nilagang Itlog, pipino, Ikan bilis (bagoong), mani, pritong manok, kangkong at iba pang mga gulay at pampalasa

.

Malaysia

malaysia

Ang Malaysia ay isang kilalang bansa sa Timog Silangang Asya. Ito rin ay  isang bansang binubuo ng labing tatlong mga estado at tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang bansa ay hinati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.–ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.Naghahanggan ang Malaysia sa mga bansang Thailand,Indonesia, Singapore. Brunei at sa Pilipinas.Ang bansa ay matatatagpuan malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimangtropikal. Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang ‘ang Hari’ o ‘ang Agong’) at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.Ang pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminste.